Tila nakaganti na raw ang mga gigil na netizens sa social media personality na si "Tito Mars" matapos kumalat ang video ng pananabunot at pambabalibag dito ng isang babae dahil sa kaartehan sa pagkain ng sardinas.

Sa video, makikitang sinabunutan ng isang babae si Tito Mars at binalibag pa sa mga lalagyanan ng pagkain sa isang handaan.

Ang nabanggit na babae ay si Aleck Bovick, at ang eksena sa pagitan nila ni Tito Mars ay bahagi ng action-drama series na "Black Rider" kung saan nag-guest ang kontrobersiyal na social media personality. Makikita ito sa mismong post ng ">GMA Network.

Nagbunyi naman ang mga netizen dahil at least daw, may naka-resbak na para sa kaniya.

Teleserye

Julia Montes, natakot sa mga co-star niya sa 'Saving Grace'

"ang saya sa pakiramdàm nà makita si tito mars sa ganyang sitwasyon"

"very good, aleck bovick!"

"Nakaganti din tayo kay titomars hahahhahahahah"

"Deserve!!!"

Matatandaang pinalagan ng mga netizen ang "sardine eating challenge" ni Tito Mars matapos niyang ipakita ang tila pandidiri niya sa sardinas.

Maging ang ilang celebrity gaya nina Pokwang at Ivana Alawi ay napa-react din tungkol dito.