Ngayong itinaas sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon, naglabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mga dapat gawin kapag mayroong Volcanic Ashfall.
Sa kanilang social media accounts, inilista ng Phivolcs ang mga dapat gawin.
BEFORE
- Makinig sa radio ng mga update mula sa awtoridad kung mayroong bulkan na sasabog
- Maghanda ng emergency supply kit at ilagay ito sa lugar na madaling kunin:
-- Ilang mga nilalaman ng emergency supply kit:
1. First aid kit and medications
2. Pagkain
3. Bottled water
4. Flashlights at mga baterya
5. Radyo (battery-operated)
6. Lighters and matches
7. Whistle
8. Dust mask
9. Goggles
10. Kutsilyo
11. Kumot at extrang damit
12. Tali o lubid na nasa 7 metro ang haba
13. Plastic wrap para sa mga gadget
14. Toiletries
15. Papel at panulat
16. Emergency contact numbers
17. Pera
- Maghanda ng dust masks o malinis na tela na gagawing pantakip sa ilong at goggles naman para maprotektahan ang mata.
- Maghanda rin ng cleaning supplies kagaya ng walis, vacuum cleaner, at pala.
- Magkaroon din ng pagkain at tubig para sa mga alagang hayop.
- Alamin ang evacuation area
- Kung may mga anak, alamin ang emergency plan ng kanilang eskwelahan.
- Magkaroon ng indoor games at activities para sa mga bata.
DURING
- Manatiling kalmado. Manatili lang sa loob ng establisyimento. Takpan ang ilong at bibig gamit ang dust mask at goggles.
- Isarado lahat ng pinto at binatana ng iyong bahay at sasakyan.
- Maglagay ng basang tuwalya o blanker sa pintuan.
- Hugasan nang maigi ang gulay at prutas bago kainin.
- Makinig ng updates sa radyo tungkol sa volcanic eruption.
- Panatilihin sa loob ng bahay ang mga alagang hayop upang hindi malanghap ang volcanic ash.
- Kung ikaw ay nagmamaneho ng sasakyan, tumigil muna sa gilid ng daan kung sakaling mayroong makapal na ashfall dahil magiging sanhi ito ng poor/low visibility.
- Kung nasa labas naman, magsuot ng salamin sa mata. Iwasang magsuot ng contact lenses.
- Takpan ang mga water containers at pagkain para maiwasan ang kontaminasyon.
AFTER
- Sa oras na wala nang ashfall, tanggalin ang mga abo sa ibabaw ng bubong upang maiwasan ang pagguho.
- Pagkatapos alisin ang mga abo, buhusan ng tubig ang bubon para maiwasan ang corrosion.
- Tanggalin din ang mga abo sa pinto at bintana ng bahay at sasakyan. Gumamit ng maligamgam na tubig na may sabon.
- Ipunin ang mga abo at ilagay ito sa lugar na malayo sa water drainage upang maiwasan ang pagbara.
- Hugasan muna ang mga damo bago pakainin ang hayop.
- Pakuluan muna ang tubig bago inumin.
- Gumamit ng detergent sa paglalaba ng mga damit na may abo.
- Gumamit ng vacuum cleaner sa paglilinis ng mga kagamitan sa sala. Takpan din ang ilong at bibig habang naglilinis.