Pinabulaanan mismo ni GMA trivia master at TV host Kim Atienza ang mga kumalat na pubmats na sumakabilang-buhay na siya nitong Hunyo 3, 2024.

Ibinahagi ni Kuya Kim sa kaniyang Instagram post ang screenshot ng "announcement" ng kaniyang pagpanaw na kumakalat sa TikTok.

Nakakaloka dahil may logo pa ito ng GMA Integrated News kaya talagang kapani-paniwala.

"MARAMING SALAMAT

Tsika at Intriga

'Nangangamoy-babaero!' Ricci, tameme sa pick-up lines ni 'Andrea'

Alejandro "Kim" Iligan Atienza

January 24, 1967-June 3, 2024," mababasa sa pubmat.

Caption naman ni Kuya Kim dito, "Nope, not today."

Nagkomento naman ang ilang mga celebrity tungkol dito.

Sey ng singer-actress na si Rita Daniela, "Sobrang badtrip ako sa account na yan kuya. Naka off comment tapos iyong account niya sa TikTok, artists na pinatay niya.😡"

"Hahaha Kuya Kim ano neh? Ogag yan!" komento naman ni Arnold "Igan" Clavio.

Mungkahi naman ng isang netizen, "Couldn’t you sue those people, Mr. Kim? I mean, when can they be held liable and be punished?"

Samantala, wala pang pahayag si Kuya Kim kung sasampahan ba niya ng reklamo ang TikTok user na nasa likod nito.