Nausisa ang Kapamilya star na si Joshua Garcia kaugnay sa pakikitungo niya sa malalapit niyang kaibigang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ngayo’y hiwalay na.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, Hunyo 3, sinabi niyang kaibigan pa rin niya ang dalawa.

“Kasi pantay-pantay ako sa barkada ko, e. Walang lamangan. Buti na lang may respeto lahat. Hindi sila 'yong matampuhin. Matatanda na rin naman sila and they’ve remained matured,” pahayag ni Joshua.

Dagdag pa niya: “Doon naman din ako pumoposisyon. Ayoko rin naman nang may kagalit, mahirap din, e. Ang liit lang ng industriya namin tapos may kagalit pa, or mag-iiwasan pa kayo.”

Daniel Padilla, reresbak na sa showbiz career?

Matatandaang kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account. 

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Samantala, isang quote card naman ang lumutang matapos maghiwalay ang nasabing celebrity couple kung saan mababasa roon ang sermon umano ni Joshua kay Daniel dahil sa ginawa nito kay Kathryn.

MAKI-BALITA: Joshua, sinermunan daw si Daniel tungkol kay Kathryn; aktor, pumalag