Halos dumagundong ang buong Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong Sabado, Hunyo 1, matapos ang pagkaldag ni "Asia's Pop Heartthrob" na si Darren Espanto, sa kaniyang 10th anniversary concert na dinaluhan ng mga malalapit na kapwa stars.

Isa nga sa mga naging highlights nito, bukod siyempre sa performances niya kasama ang guest stars, ay ang pagkaldag niya.

Maging si Unkabogable Star Vice Ganda ay na-shookt sa mga ipinamalas ni Darren, na nagsimula bilang contestant sa "The Voice Kids."

"Ang laki-laki mo na, ang dami mo nang pinapakitang kakaiba. 'Yong huling sayaw mo naggagano'n ka," aniya na tumutukoy sa kaldag.

Events

Apo Whang-Od gown ni Michelle Dee, ginaya ng contestant sa Miss U Thailand?

"Diyos ko! Pag ako nagko-concert dito naka-one thousand jokes na ko, hindi pa rin nagtitilian ang mga tao, pero ikaw gumano'n ka lang, nagwala 'yong mga tao," dagdag niya.

Sa Facebook post naman ng isang nagngangalang "Wilfredo Fred" ay makikita ang ilan sa mga still photo ng pagkaldag ni Darren.

"Darren ano yan hahahahaa Darren Espanto #D10," caption niya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nawindang buong Araneta"

"Grabe hindi na siya baby boy hahaha, puwede na siya gumawa ng baby boy hahaha."

"Darren Espanto why naman ganun? Napatayo bigla ako sa upuan ko kagabi dahil dito."

"Grabe na talaga si Darren hahaha, siya na ang papalit sa trono ni Mr. Pure Energy Gary V."