Ibinahagi ng dating child star actor na si Niño Muhlach ang kuwento sa likod ng pagbebenta niya kay Boss Toyo ng kaniyang nasungkit na trophy sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Hunyo 3, sinabi ni Niño na si Boss Toyo umano ang mismong lumapit sa kaniya para ibenta sa “Pinoy Pawnstar” ang trophy niya na iginawad ng FAMAS bilang Best Child Performer.

“[...] 'Yong ibang nagdadala doon, sila 'yong lumalapit. Ako, tinawagan ako ni Boss Toyo, and then he was telling me nga na mayro’ng nag-offer sa kaniya ng FAMAS award ng child star pero hindi raw niya binili because para sa kaniya ang child star talaga na [sa isipan] niya was Niño Muhlach,” paglilinaw ni Niño.

I have 5 awards, e. Nakatambak lang sa bahay, Tito Boy, hindi ko naaalagaan. So, ang usapan namin ni Boss Toyo: 'Sige I'll sell it to you pero may deal. Kailangan i-restore mo na magmumukhang bago and idi-display mo sa museum at hindi mo puwedeng ibenta,'” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon pa kay Niño, naibenta umano niya kay Boss Toyo ang kaniyang naturang FAMAS trophy sa halagang ₱500, 000.

Matatandaang nilapitan ni Jiro si Boss Toyo noong Enero para ipagbili ang natanggap niyang trophy sa prestihiyosong Gawad Urian dahil sa hirap umano ng buhay.

MAKI-BALITA: Jiro Manio no choice na, ibinenta Urian trophy dahil sa hirap ng buhay