Naging sentro umano ng atensyon si Mikha Lim, isa sa mga miyembro ng namamayagpag ngayong P-pop girl group na BINI, sa ginanap na Star Magic All-Star Games 2024 kamakailan.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Hunyo 3, iniulat ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasaksihan niya sa nangyaring laban sa Araneta Coliseum.

“Karamihan sa audience ay may mga hukbong-sandatahang lakas ng mga tagahanga ng mga kilalang Star Magic artist. Inumpisahan sa larong volleyball kung saan ang larong ito ay may following na,” saad ni Ogie.

“Blue team at yellow team ang naglaban. Pero ang nakakaloka ng taon ay ang madalas na tilian, hiyawan, at palakpakan kay Mikha Lim,” wika niya.

Events

Kylie Padilla, masaya kahit walang ka-date sa GMA Gala 2024

Dagdag pa ng showbiz insider: “Sa tuwing popokus sa kaniya ang camera ay tiliang umaatikabo ang mga tao. Si Mikha na ang parang nahihiya ayon sa obserbasyon ko, e. [...] Isang malinaw na humble talaga ‘yong bata.”

Hindi naman daw kasi talaga maitatanggi ang husay ni Mikha sa paglalaro. In fact, nasungkit niya ang titulong “Best Setter.”

Congrats, Mikha!