Isa ang 72-anyos na si Nicolas "Rody" Sucgang na residente sa Batan, Aklan ang nagpatunay na "Age is just a number" matapos magmartsa sa entablado upang tanggapin ang katunayan ng pagtatapos sa Senior High School.

Ayon sa Facebook post ng gurong si Carmen Selorio, kahanga-hanga ang mga gaya ni Nicolas na nasa ilalim ng TVL Track, Agri-Fishery Arts Strand na ang specialization ay Aquaculture, sa Napti Integrated School.

“Age is just a number... for education it doesn't matter," mababasa sa caption ng kaniyang post.

Sa panayam kay Evan C. Regalado, punungguro ng nasabing paaralan, talaga raw kakikitaan ng pagpupursige si Nicolas na makatapos ng kaniyang pag-aaral.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“Nong Rudy, as we fondly called him, is a former student of Kalantiaw Institute who wants to pursue his studies in senior high school," aniya.

"He really wants to finish his secondary education. I endorsed him to his present adviser, ma’am Erra M. Dalida, teacher adviser of grade 12. He diligently attended to his studies," dagdag pa.

Nagbigay naman ng mensahe para sa kaniya ang NIS Supreme Secondary Learners Government ng kanilang paaralan.

"Dear Tatay,"

"Congratulations on your remarkable achievement of graduating from senior high school! At 72, your journey is a testament to the power of perseverance, dedication, and the unyielding pursuit of knowledge. Your story is an inspiration to us all, showing that age is just a number and it is never too late to pursue our dreams and continue our education. Congratulations and God Bless, tatay!"

Congratulations, Tatay Nicolas!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!