Sinagot ni showbiz insider Ogie Diaz ang tanong ng fans kaugnay sa update ng relasyon nina “What’s Wrong with Secretary Kim?” lead stars Paulo Avelino at Kim Chiu.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Hunyo 1, sinabi ni Ogie na hindi raw mag-on sina Kim at Paulo.

“Ito na nga ‘yong tinatanong sa akin ng mga faney, kung sila na ba. E, hindi naman po. Wala rin namang ligawang nangyari,” saad ni Ogie.

“Hindi ba totoong minsan ay nagbakasyon sila sa isang private at exclusive na island?” tanong naman ng co-host niyang si Mama Loi.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Pero sabi ni Ogie: “Oo nga, syempre akala ng lahat magiging sila na. E, hindi. Edi sana ipinarating sa akin ng common friends namin.”

Dagdag pa ng showbiz columnist, okay na raw sa dalawa na maging magka-love team na lang muna sa ngayon.

Matatandaang kamakailan lang ay naitsika sa “Cristy Ferminute” na hindi pa raw priority ni Paulo ang pakikipagrelasyon dahil nakatutok siya sa karera niya bilang isa sa mga namamayagpag na aktor.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, hindi raw priority ang lovelife