Inamin ni Mika Dela Cruz na tinatarayan daw talaga niya dati ang mister na niya ngayong si Nash Aguas.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Linggo, Hunyo 2, sinabi ni Mika ang dahilan kung bakit niya tinatarayan si Nash.

“[..] Mataray ka raw sa kaniya [kay Nash]?” tanong ni Bernadette.

“Ay, opo. Before po. Yeah, may seasons po talaga na tinarayan ko po kasi mahigpit po ‘yong family ko, ate,” saad ni Mika.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Kuwento naman ni Nash: “Matagal na po. Maliit pa kami. Tapos since crush ko nga siya, so text-text kami. Tapos parang no’ng Christmas for some reason nagsabi ako ng ‘I love you’. Di ko rin alam kung bakit. 

“Tapos siya nag-’I love you too.’ So I was really happy. Noche buena ‘yon. E, nahuli. Nahuli pala siya. After 10 minutes, biglang sabi niya ‘as a friend.’ So nag-noche buena ako ng malungkot,” dugtong pa niya.

Noong mga panahong ‘yon daw kasi, laging present si Nash sa mahahalagang araw ng buhay ni Mika at ng mga kamag-anak niya. 

Kaya pinagsabihan si Mika ng kaniyang pamilya na masyado pang maaga para sa pakikipagrelasyon na naging dahilan nga ng pagtataray niya kay Nash.

Pero magkaibigan na raw talaga silang dalawa kahit noong mga panahong tinataray-tarayan ni Mika si Nash. Bagama’t tila tumatak umano kay Nash ang katarayan ni Mika, masasabi naman daw ng huli na may mga moment na nag-eenjoy pa rin sila together.

“‘Pag nakikita ko ngayon, parang ‘oo nga, ‘no? Bakit hindi ko napansin ‘yan no’ng bata ako.’ Kasi parang before talagang ‘ang taray-taray naman nito sa akin. Parang ayaw niya talaga,’” sabi ni Nash.

Dagdag pa niya: “Pero ‘pag ngayon tinitingnan ko, mayroon pala.”

Sa ngayon, happily married na ang dalawa. Matatandaang tila nawindang ang publiko sa biglang pag-iisang dibdib nina Mika at Nash nang ibahagi nila sa kanilang social media ang mga kuhang larawan sa kanilang kasal.

MAKI-BALITA: Nash Aguas, Mika Dela Cruz ikinasal na!