Ibinahagi ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at dating senador Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan kung paano niya kinikilala ang sarili bilang bahagi ng LGBTQIA+ community.
Sa ulat ng ABS-CBN News na inilathala nitong Lunes, Hunyo 3, ipinaliwanag umano ni Miel kung bakit niya tinatagurian ang sariling “queer” sa halip na “gay.”
“I just like to use ‘queer’ ‘cause it’s just an umbrella term or just somebody who doesn't necessarily feel as though the existing labels fit them,” saad ni Miel.
“I don’t really have a specific label, but the one thing that I feel more aligned with is parang pansexual,” aniya.
Dagdag pa niya: “My attraction is not just limited to gender, or gender identity or presentation. Anybody talaga.”
Kung pagbabatayan ang kahulugan ng “pansexual” sa diksyonaryo, ang kahulugan nito ay “sexual, emotional, and/or romantic attraction toward others regardless of their sex or gender identity.”
Matatandaang nauna nang inilantad ni Miel ang gender niya sa mismo ring Pride Month noong Hunyo 2022 sa pamamagitan ng isang social media post.
MAKI-BALITA: Anak nina Shawie at Kiko na si Miel Pangilinan, proud member ng LGBTQIA+ community