Mukhang bagay na bagay talaga ang child star na si "Baby Argus" sa nagbabalik na children gag show na "Goin' Bulilit" dahil magaling na siyang bumanat ng biro.

Kinaaliwan kasi ng mga netizen ang Facebook post sa kaniyang official Facebook page kung saan nagpa-picture siya sa tabi ng isang bagong kotse. Nagpasalamat siya sa mga magulang para sa ibinigay sa kaniyang graduation gift.

"Thank you mommy and daddy sa graduation gift neo po sa akin sobra saya ko magkaroon ulit ng gnito. ♥️♥️," ani Argus.

Pero ang regalo pala sa kaniya, hindi ang kotse kundi ang hawak na toy gun.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

"Salamat mommy sa xshot na toygun 😂😂😂," hirit pa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Wow ang galing hahaha natuto ka na sa Showtime ha..."

"I-manifest mo rin na magka-car na kayo. Congrats sa graduation mo, Baby Argus!"

"Ganda ng toy gun hahaha."

"Akala ko kotse na talaga eh hahaha."

Si Argus ay isa sa mga bagets na kinabibiliban ngayon dahil sa pagpapakita ng acting skills sa "Showing Bulilit" segment/game ng It's Showtime.

Dahil sa galing ng mga bulilit na ito, lahat sila ay pasok na nga sa nagbabalik na gag show, na ididirehe ng nagbabalik-ABS-CBN na si Direk Edgar "Bobot" Mortiz.