Usap-usapan ang Facebook posts ng manunulat at dating komisyuner ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Jerry Grácio kaugnay sa mainit na pinag-uusapang pagsasabatas ng Divorce Bill.

Ayon sa ulat ng GMA Public Affairs, sinabi ni Atty. Richie Pilares, isang family lawyer at senior partner sa Puno Law Firm, na ang annulment ay tumutukoy sa pagsasawalang-bisa ng aktuwal na kasal o ang pagdedeklarang “void” ang kasal ng dating magkasintahan.

Sa ilalim naman daw ng divorce, kinikilalang nagkaroon ng “marriage” ang isang dating magkasintahan, ngunit binibigyan sila ng paraan para tapusin ang naturang kasal.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ang pagkakaiba ng annulment at divorce?

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa sunod-sunod na posts ng manunulat, nagbigay siya ng pasaring sa mga hindi pabor sa diborsyo, lalo na sa mga mambabatas na bumoto ng "No."

"No to divorce pero may kabet," aniya.

Iba pa niyang posts:

"Huwag kang mag-no to Divorce Bill, tih, hindi ka pa pinakakasalan, puwede mo pa siyang hiwalayan anytime."

"Kung binubugbog ka o pinabayaan ng asawa; o kung may kabit ang asawa mo at niloloko ka, hindi ka pipiliting mag-divorce kahit ma-aprub ang Divorce Bill. Kung ayaw mong idiborsiyo ang asawa mo dahil naniniwala kang sagrado ang kasal, e di pakamartir ka. Magtiis ka. Pero huwag mo namang ipilit ang katangahan mo sa iba."

"No to divorce dahil naniniwala sa sanctity of marriage. Pero nambubugbog ng asawa. At may kabet."

Samantala, kalahati o 50% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa pagsasa-legal ng diborsyo sa bansa, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa First Quarter 2024 survey ng SWS na inilabas noong Sabado, Hunyo 1, 28% daw ng mga Pinoy ang lubos na sumasang-ayon at 22% ang bahagyang sumasang-ayon sa katagang: “Married couples who have already separated and cannot reconcile anymore should be allowed to divorce so that they can get legally married again.”

Samantala, 31% ang hindi sumasang-ayon, kung saan 12% dito ang “somewhat disagree” at 20% ang “strongly disagree,” sa pagsasalegal ng diborsyo sa bansa.

Nasa 17% naman daw ang “undecided” pa sa naturang isyu.

Dahil dito, +19 ang lumabas na net agreement score (% agree minus % disagree) ng survey, nangangahulugang ito ay “moderately strong.”

MAKI-BALITA: 50% ng mga Pinoy, suportado ang divorce – SWS

MAKI-BALITA: Napipintong diborsyo sa Pinas, umani ng reaksiyon