Pinusuan ng mga netizen ang estudyante-negosyante na si "Aubrey" matapos maitampok sa "Pera Paraan" ni Susan Enriquez, dahil kumikita lang naman siya ng libong piso mula sa pagtitinda ng iba't ibang klaseng fruit juices.

Sa gulang na 20-anyos, talaga namang pinatutunayan ni Aubrey na puwedeng taglayin ng isang tao ang "diploma at diskarte."

Ayon sa Facebook post ng GMA Public Affairs, ang naging kapital ni Aubrey ay ₱50k at fruit juices ang naisipan niyang itinda, na tamang-tama sa kainitan ng panahon. Ang mga flavor na kaniyang tinda ay lychee, grapes, at strawberry. Ang 22oz ay nagkakahalagang ₱40 at ang isang litro naman ay ₱60, sa lahat ng flavors.

Wala pa raw isang buwan, nabawi na raw niya ang puhunan, at kumita pa siya nang malaki.

Usapang Negosyo

Kahit maagang naulila: Pinoy dishwasher, nagsumikap; isa nang restaurant owner

Sa bawat araw daw ay nakabebenta siya ng 500-600 na baso, katumbas ito ng 300 na litro ng fruit juice. Sa ganitong benta, libo-libo na raw ang kita!

Bukod sa nakatutulong na sa pamilya, ginagamit ni Aubrey ang kita para sa pang-araw-araw na baon at panggastos sa school requirements.

Narito naman ang reaksiyon at komento ng netizens.

"Sipag at tiyaga lng Ang kailangan Ng tao 💖💖💖."

"Ang galing naman! Keep it up!"

"Karapat-dapat tularan!"

"Congrats to her sana walang mag ingitero at ingitera sa ginagawa niya ah."

"iba din kapag may puhunan at magandang puwesto malaki ang advantage lalo na kapag marami bumibili at mataong lugar."

"Natutuwa ako sa negosyo nya,sana wag lng yong magdudulot ng sakit sa bato sa mga bumibile,kasi sabi ng mga doktor may mga hindi naman totoong fruit juice na nakakasira lng ng internal organ."

Congrats, Aubrey!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!