Nahingan ng reaksiyon ang showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa isinampang cyber libel case sa kaniya ng aktor na si Dominic Roque, ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na nauna nang nagsampa ng kaparehong asunto laban sa kaniya.

Sa ipinadalang mensahe ni Cristy sa GMA Integrated News, sinabi umano ni Cristy na hindi pa siya makapagbibigay ng konkretong pahayag dahil wala pa silang natatanggap na subpoena, gayundin sa nauna nang kasong isinampa laban sa kaniya ni Bea.

Pero ayon kay Cristy, karapatan daw ni Dominic at iba pang personalidad na magsampa ng kaso laban sa kaniya.

Bukod kina Bea at Dominic, matatandaang naghain na rin ng kaso sa kaniya ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati, at sumunod naman ang mag-asawang Sharon Cuneta at dating senador Atty. Kiko Pangilinan.

Events

Kylie Padilla, masaya kahit walang ka-date sa GMA Gala 2024

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, iba pang co-hosts dinemanda ng mga magulang ni Sarah Lahbati

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan kinasuhan si Cristy Fermin

"Hintayin ko na lang 'yong subpoena nito. Magpapadala naman sila eh. Karapatan niya 'yon. Okay lang 'yon," ayon daw kay Cristy.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, nagsampa ng cyber libel kay Cristy Fermin

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz