Ikinatuwa ng 90s fans ang mini reunion nina Dingdong Dantes, Polo Ravales, at Dino Guevarra na pawang mga naging cast members ng youth-oriented show na "T.G.I.S" noon sa GMA Network.

Sa kaniyang TikTok account, masayang ibinahagi ni Dingdong ang "past and present" photos nila, na kuha habang nasa set ng "Family Feud Philippines."

"Thank God It's Sabado! Can you name our characters?" caption ni Dingdong.

[embed]

Tsika at Intriga

Lotlot De Leon, inusisa gala ni Janine Gutierrez: 'Sino kasama mo?'

Sa comment section, napansin naman ng mga netizen na tila walang kupas daw ang taglay na kaguwapuhan ng tatlo, lalo na sina Dingdong at Polo.

Subalit kay Dino na hindi na gaanong aktibo ngayon sa showbiz, nagkomento ang karamihan sa malaking pagbabago raw sa hitsura nito ngayon.

"bakit parang nag-mature si Dino?"

"Parang tumanda si Dino pero pogi pa rin..."

"Si Dingdong at polo kasi panay parin Belo at skincare nila kay Dino na stop talaga kaya tumanda ng ganyan pero gwapo padin."

"joel Torre lookalike na si dino,pero mga gwapings pa din nmanđź’— vincent,brian,brixđź’Ş"

"nagmatured si Dino Guevarra, pero pogi pa din🥰"

"si Dino lang tumanda"

"bilis ng pagtanda ni dino"

"parang si Dino lang ung tumanda, si dingdong at polo na maintain ung looks."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dino tungkol dito.