Isinailalim ng Office of the Ombudsman sa ‘preventive suspension’ si Mayor Alice Guo at dalawa pang local officials ng Bamban, Tarlac nitong Lunes, Hunyo 3.

Kasunod ito ng isinampang reklamo ng katiwalian ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Guo dahil sa pagkakasangkot umano nito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kaniyang lugar.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Bukod kay Guo, isinailalim din sa 'preventive suspension' ang dalawa pang local officials ng Bamban, Tarlac sa loob ng anim na buwan dahil sa kanilang diumano’y pagkakasangkot sa POGO.

Matatandaang noong Marso 13, ni-raid ng mga awtoridad 10 hektaryang lupain na ino-operate ng Zun Yuan Technology Incorporated.

Ang naturang raid ay isinagawa sa bisa ng dalawang search warrant dahil sa diumano’y kaso ng human trafficking at serious illegal detention ng POGO workers.