Hindi lang pala ang planong pagpapakasal ang nagawang ilihim ng newly wed couple na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz sa loob ng anim na taon nilang relasyon.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Linggo, Hunyo 2, inamin ng dalawa na nagkahiwalay daw muna sila bago ikasal.

Pero hindi nalaman ng publiko ang tungkol sa bagay na ito dahil ayon kay Nash ay hindi naman sa ibang tao siya nakipag-break kaya walang rason para malaman pa ng iba ang hiwalayan nila ni Mika.

“I think, sa naging process po kasi namin we dealt with the pain. Kay Lord lang po talaga. Even sa sister po, hindi po ako nagpakita na umiiyak sa kaniya,” saad ni Mika.

Relasyon at Hiwalayan

Willie, nadulas na may anak na sina Coco at Julia?

“Like, I was just saying na ‘I was okay. Everything is gonna be okay. We were dealing with it separately kay God talaga. Every time I feel heavy or crying talaga is just me and Him po,” dagdag pa niya.

Hindi rin daw kasi mahilig si Mika na magsabi ng problema sa ibang tao dahil hindi rin daw niya maramdaman ang comfort na hinahanap niya. Kaya mas pinipili na lang niya na lumapit sa Diyos.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, ibinahagi ni Mika kung paano niya tinatarayan noon si Nash at ano ba ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

MAKI-BALITA: ‘Parang ayaw niya talaga!’ Mika, tinatarayan dati si Nash