Nakakaloka ang isiniwalat ng vlogger at aktres na si Alex Gonzaga tungkol sa ginagawa umano nila ng asawang si Mikee Morada bago sila matulog sa gabi.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Alex nitong Linggo, Hunyo 2, tampok ang pakulong “Married Couple Test” kasama ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano para subukin kung gaano ba nila kakilala ang kani-kanilang asawa.

Sa isang bahagi ng naturang vlog, naitanong ang “what does your partner always do before bed?” sa kanilang apat. At ayon kina Alex at Mikee, nagse-cellphone daw muna sila bago matulog.

“Ito si Mikee, cellphone. Tapos may pinapanood sa Vivamax,” saad ni Alex.

Relasyon at Hiwalayan

Zeinab, sinubok ang haba ng pasensya ni Ray Parks

Hirit naman ni Paul: “Tapos ginagaya n’yo?”

“Nakalagay [sa message]: ‘gayahin natin.’ Sine-send sa reel. ‘May sinend ako sa ‘yo,’” sabi pa ni Alex.

‘Apakasinungaling mo,” wika ni Mikee na ikinatawa naman ni Alex.

Matatandaang sa isang vlog ni Alex kamakailan ay matutunghayan din ang mga pilya niyang hirit sa mister nang mamiyesta sila sa isang barangay sa Lipa City, Batangas.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, gabi-gabing nilalawayan ni Mikee Morada

MAKI-BALITA: Mikee Morada, mas bet tahong ni Alex kaysa kay ‘Carla’