Niyanig ng 4.8-magnitude na lindol ang Negros Oriental nitong Lunes ng tanghali, Hunyo 3.

Image

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nangyari ang pagyanig kaninang 1:46 ng tanghali sa Basay, Negros Oriental, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.