Inihayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na inilabas na ng prosecutor’s office ang subpoena para kina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at vlogger Banat By na sinampahan niya kamakailan ng kasong libel at cyber libel.

Ibinahagi ito ni Trillanes sa pamamagitan ng isang X post nitong Sabado, Hunyo 1.

“The subpoenas are out,” ani Trillanes sa kaniyang post kalakip ang dalawang kopya ng dokumento hinggil sa subpoena laban kina Roque at Banat By sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Matatandaang noong Mayo 14 nang magsampa ng kasong libel at cyber libel si Trillanes laban kina Roque at Banat By, maging sa ilang hosts ng Sonshine Media Network International (SMNI) at ilan pa umanong mga “pro-Duterte vloggers at trolls.”

National

Trillanes, kinasuhan sina Harry Roque, SMNI hosts, ‘pro-Duterte vloggers’

Kasama sa mga troll accounts na ating sinampahan ng kaso sa NBI ay ang mga personalidad na sina “Mr. Realtalker or Lods Chinito (with Tiktok handles @chinitorealtalker and @chinitotisoy01); Melagin Nastor Evangelista o CATASTROPHE (with X handle @gurlbehindthisb ); JoeLas (with X handle @j_laspinas ), Michael Gorre o KampilaBoy (with X handle @KampilanBoy ); Hampaslupang Mandaragat (with X handle @JohnAmasa2 ); at X handle @SaraAll2028.”

Ang naturang pagsampa ng libel at cyber libel ni Trillanes laban sa naturang mga indibidwal ay dahil umano sa pagpapakalat ng mga ito ng maling impormasyon laban sa kaniya.