Nagbigay ng reaksiyon ang SB19 member na si Stell kaugnay sa natanggap na bashing kamakailan mula sa isang social media personality na si Stella Salle. 

Ayon sa ulat ng GMA News noong Sabado, Hunyo 1, sinabi umano ni Stell sa kaniyang TikTok live na wala na raw magagawa pa sa panlalait na ibinato sa kaniya.

"Wala na tayo magagawa do’n. But don't tolerate anything bad na feeling natin nakakasira ng ibang tao. Nage-gets ko naman na lahat ng tao are entitled to say the things they want to say,” saad ni Stell.

Dagdag pa niya: “Puwede ka naman magsabi ng totoong bagay, pero i-base mo sa intention. 'Yong intention mo ba is para maging aware 'yong tao o makapanakit ng tao?"

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

Samantala, siniguro naman ni Stell sa fans niyang nag-aalala na maayos ang kalagayan niya sa kabila ng lait na natanggap.

Ayon sa kaniya: “Sa mga nagtatanong if I'm okay, don't worry guys, I'm okay. Sobrang busy lang talaga. Matagal ko nang gustong mag-live, gusto ko kayo maka-bonding, kaso ang dami kong ginagawa."

Matatandaang sinabihan ni Stella na “pangit” umano si Stell sa pamamagitan ng isang shared post kung saan makikita roon ang mga larawan nito.

Naglabas naman agad ng apology statement si Stella matapos siyang alisan ng endorsement dahil sa panlalait nito sa naturang SB19 member. 

MAKI-BALITA: Socmed personality na lumait kay Stell, tinanggalan ng endorsement