Naitanong ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang tungkol sa planong pagkakasal ng “It’s Showtime” host na si Ryan Bang at ng non-showbiz girlfriend nitong si Paola Huyong.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Mayo 31, sinabi ni Ryan na tila hinihintay pa niya ang sign ng Panginoon para sa kanilang pag-iisang-dibdib.

“Hindi natin alam. Basta I’m praying about it. May sign naman si Lord,” pahayag ni Ryan.

Sa ngayon kasi—ayon kay Ogie—abala pa si Ryan sa negosyo. Bukod sa dalawang restaurant, may hair salon pa siya.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Samantala, ibinahagi rin ni Ryan ang tila malaking tulong na nagawa ni Ogie sa kaniya para matanggap siya ng mga magulang ni Paola.

“Noong nagshe-share ako ng istorya ko sa YouTube mo, napanood ng mommy ni Paola. So, natutuwa sa akin. Kasi nakilala niya ako noong first time akong nagdalaw sa kanila,” saad niya.

Matatandaang sa isang episode ng “It’s Showtime” noong Agosto 2023 unang isiniwalat ni Ryan ang tungkol sa relationship status niya.