Inamin ni Kapuso actor Kelvin Miranda na nahirapan daw siya matapos i-expose ng ex-girlfriend niya ang umano’y pakikipag-chat niya sa isang Kapamilya actress.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Biyernes, Mayo 31, ibinahagi ni Kelvin ang dahilan kung bakit siya nahirapan sa naturang isyu.

“Doon ako nag-start na nahirapan. Kasi first time kong ma-experience ‘yong gano’ng klaseng controversy. Noong mga time na ‘yon, na-lost ako. Noong time na ‘yon, bumalik ‘yong bagay na kinakatakutan ko,” saad ni Kelvin.

“Ano ‘yong kinakatakutan mo?” usisa ni Toni Gonzaga.

Relasyon at Hiwalayan

Rico pinost intro ng 'Kisapmata' matapos ang pagbubunyag ni Maris sa break-up

“Mawalan ako ng kinakatakutan. Kasi kahit ano kaya kong gawin sa sarili ko. Hindi ako nananakit ng ibang tao. Pero sa sarili ko, medyo dark, medyo mabigat. Kasi suicidal ako as person,” sagot ni Kelvin.

“Malakas akong bumarkada. Do’n ako medyo na-lost. Alak, tapos natutong magsigarilyo dahil kulang din ako sa guidance ng family ko,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Siguro dahil takot din akong maging burden para sa kanila. Kaya sinubukan kong mabuhay mag-isa. Sinubukan kong magdesisyon.”

Matatandaang batay sa lumabas na ulat noong Marso 2023 ay si Kira Balinger umano ang babaeng nakakapalitan ni Kelvin ng mensahe.

MAKI-BALITA: Ex-jowa ni Kelvin Miranda, may pasabog; Kira Balinger, dawit