Humaplos sa damdamin ng netizens ang isang viral post hinggil sa mag-ina sa Bukidnon na hindi umabot sa closing ceremony para tanggapin ang medalya ng anak dahil nagtinda pa sila ng mga gulay.

Base sa Facebook post ng gurong si Delia Buaya, tapos na ang closing program nang dumating ang mag-ina sa Lilingayon Central School sa Valencia City, Bukidnon, habang dala-dala pa ang isang palanggana na may nakalagay na mga gulay.

Nagtinda pa raw kasi sila ng gulay dahil hindi pa sila nakakabili ng costume ng anak na si "Vivilyn" para sa dance performance ng mga ito sa eskwelahan.

Sa kabila nito, binigay pa rin sa mag-ina ang medalya ng anak na kabilang daw sa “With Honors” ng kanilang klase. Bukod dito ay pinarangalan din daw si Vivilyn bilang "Most Truthful," "Most Respectful," at "Most Kind."

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Maraming netizens naman ang naantig sa naturang post at ang iba’y nag-alok din ng tulong sa mag-ina. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“You have a bright future langga .”

“Congratulations to this pupil have a great battle for her family.”

“Congrats baby,and nanaylaban lang sa Buhay Lage…”

“Congratulations God Bless you always with your mother .”

“Congrats never stop on dreaming.”

“With HONORS wow! Congrats .”

“SALUDO ako sa imo nay.”

Habang sinusulat ito’y umabot na ang naturang post ng mahigit 40,000 reactions, 2,000 comments, at 17,000 shares.