Napa-react ang Kapamilya star na si Joshua Garcia sa topless photo ng Star Magic artist na si Aljon Mendoza sa Instagram

Flinex kasi ni Aljon ang kaniyang magandang katawan sa social media. Kamakailan lamang ay naging bahagi si Aljon ng "Star Magic Hot Summer" na layuning i-highlight ang body transformations at body positivity.

"day off 😛" caption ni Aljon sa kaniyang Instagram post noong Mayo 24. Kalakip nito ang tatlong larawan niya habang makikita ang isang swimming pool sa kaniyang background.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Noong May 28 naman ay nag-react dito si Joshua.

"Naks! Ibang iba kana talaga Jon 🤭" ani Joshua.

Tugon naman dito ni Aljon, @garciajoshuae naman idol hahahaha."

Pati ang Star Magic artist na si Joao Constancia ay napa-react din.

"Yan na si Idol!" aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Aljon Mendoza (IG)

Pinuri naman ng mga netizen ang aktor na nagsimula bilang housemate sa reality show na "Pinoy Big Brother."

Noong Mayo 16, sinabi ni Aljon na nag-hiatus siya sa social media para magpokus sa kaniyang bodybuilding journey.

"I've been on a hiatus for the past few months, silently building myself. I'm sharing the result of one of my hardworks to inspire people who, just like me, want to be better," aniya.

"One of the lessons i've learned during my metamorphosis journey is to always remember to focus on your growth. As long as you're doing better than the last time, then you're doing it just right :)"

Congrats, Aljon!