Ibinahagi ng actor, singer, at talent manager na si James Reid ang kasalukuyang itinatakbo ng career ng aktres na si Liza Soberano.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Mayo 31, sinabi ni James na marami pa rin daw ginagawang proyekto si Liza matapos ang pelikula nito sa Hollywood na “Lisa Frankenstein.”

“After doing the film in Hollywood, she’s still working on a lot of projects. Both in the US and here [in the Philippines]. 

Bukod pa rito ang isang online Korean show na kinabilangan ni Liza noong Nobyembre 2023 kung saan niya nakasama sina Eric Nam, Nancy, JinJin ng boy group na ASTRO, at Jacob at Kevin ng The Boyz—na isa ring boy group.

Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

MAKI-BALITA: Liza Soberano, mapapabilang sa Korean online show

Dagdag pa ni James: “She has co-management [in the US], people we work with that are very knowledgeable about the US Entertainment. [...] She’s doing great, she’s doing great. We’re very proud of her and everything that she’s accomplished.”

Matatandaang sa isang ulat ay makikita rin ang “proud manager moment” ni James kay Liza matapos maitampok ng huli sa isang lifestyle magazine.

MAKI-BALITA: James Reid, ‘proud manager’ kay Liza Soberano