Ipinagdiinan ng batikang aktres na si Divina Valencia na dapat ibalik ng pamunuan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ang mga nagastos ng kaibigang si Eva Darren, nang hindi siya tawagin bilang presenter sa naganap na 72nd FAMAS Awards.
MAKI-BALITA: Divina Valencia, ‘di matanggap ang paliwanag ng FAMAS kay Eva Darren
Menos na ang kontrobersiyal na ₱5k per head sa dinner food, malaki rin umano ang nagastos ni Eva sa kaniyang outfit, sa hair and make-up, gasolina sa sasakyan, at iba pang effort matapos anyayahang maging presenter ng award sa nabanggit na FAMAS Awards Night.
MAKI-BALITA: ₱5k na bayad sa dinner ng FAMAS, kinuwestyon
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sa panayam naman kay Divina na isa sa mga kasama sa mesa ni Eva nang maganap ang insidente, nagulat na lang siya nang biglang magpaalam si Eva na aalis na gayong hindi pa siya natatawag. Nakita raw niya na tila "upset" si Eva.
Doon na napag-alaman ni Divina na pinalitan na pala si Eva ng isang singer na si Sheena Palad.
Hindi matanggap ni Divina ang excuse ng FAMAS na hindi nila ma-locate ang kinaroroonan ng kaniyang kaibigan.
Kaya hamon ni Divina sa pangulo ng FAMAS, ibalik na lang nila ang ginastos ni Eva dahil hindi naman nito na-serve ang purpose ng pagpunta sa nabanggit na awarding ceremony.
"Masakit para sa anak, at sa mga apo na inaasahan nila na gumastos ng ganoon [sa] make-up, hairdo, damit, driver, gas, etc. Dapat lang Madam FAMAS, ibalik mo lahat nang nagastos ni Miss Eva Darren. 'Yong kahihiyan hindi niya na maibabalik 'yon, habambuhay nang kahihiyan 'yon. At hindi lang sa kaniya, kundi kahihiyan ng anak niya at mga apo niya," saad pa ni Divina.
Samantala, sa isang Facebook post ay tinanggap naman ng anak ni Eva na si Fernando Dela Peña ang paghingi ng dispensa ng FAMAS dahil sa nangyari.
Sa kabilang banda, nagbukas ito ng oportunidad para kilalanin at parangalan si Eva sa kontribusyon nito sa pelikulang Pilipino.
MAKI-BALITA: Eva Darren, iba pang batikang artista pararangalan sa 7th Eddys
MAKI-BALITA: Matapos ‘bastusin’ ng FAMAS: Eva Darren, nagka-award agad