Inanunsyo ng City Government of Tagum na kasama sa line-up ng mga artistang magpeperform sa "Bagong Pilipinas Pagkakaisa Concert" ang Kapamilya singer-actor-TV host na si Darren Espanto.

Sa inilabas na pubmat na makikita sa official Facebook page ng Tagum City, ibinahagi nila ang larawan ni Darren na magtatanghal sa nabanggit na concert sa Hunyo 7, sa Davao Del Norte Sports and Tourism Complex.

"Uy! Wala pa ta nahuman."

"Makauban pud nato si Darren Espanto karong Hunyo 7 sa Pagkakaisa Concert sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex nganhi sa syudad sa Tagum!"

Events

Barbie Forteza, pinuri sa pagtulong kay Herlene Budol

"Pa-rehistro na ug magkita-kita ta sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair," mababasa sa caption ng post.

Matatandaang bukod kay Darren, ang "Kakampink" na si Daniel Padilla ay nauna nang naanunsyong kasama sa line-up, bagay na pinagtaasan naman ng kilay ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, dadalo sa Bagong Pilipinas concert sa Davao