Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month ay ipinasilip ng social media personality na si Bretman Rack ang umano’y jowa niya.

Sa latest Instagram post ni Bretman nitong Linggo, Hunyo 2, makikita ang serye ng mga larawan at ang isa roon ay may kasama siyang lalaki habang nasa isang inflatable pool. Nakatalikod silang dalawa kaya hindi lantad ang mukha ng kaniyang kasama.

“Happy Pride Yall!! 🏳️‍🌈 I’m spending it being gay asf. Hbu❤️🧡💛💚💙💜” saad ni Bretman sa caption ng kaniyang post.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang post na ito ni Bretman. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

"I’m straight asf but why am I jealous he’s dating dabaddest DAFUQ"

"HARD LAUNCH BESTIEEEEEEE"

"Wait a minuteeeee! Not Brett got a mannnnn! WE LOVE TO SEE ITTTT!😆👏🏾👏🏾❤️❤️✨"

"Soft But Hard Launch"

"Napahiyaaaaaaawwww akooo!!! Da baddest Bretman!🧚🏽‍♂️"

"HARD LAUNCH GOT ME BLUSHING!!!"

"YAAAAAAAAASSSS!!! Happy Pride sis 💗🏳️‍🌈"

"Happy Pride Queeeeennnnn... launch it haaarrrdddd"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag si Bretman para pabulaanan o kumpirmahin ang hinala ng mga netizen tungkol sa umano’y jowa niya.