Usap-usapan ang naging sagot ng nanay ng aktres na si Yen Santos na si "Mommy Lilian" tungkol sa naging ugnayan ng anak sa Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis.

Sa entertainment vlog kasi nina Jobert Sucaldito at Chaps Manansala, parang sinasabi raw ng mommy ni Yen na never namang naging mag-jowa ang anak at si Paolo.

Bagay na taliwas sa mga inamin ni Paolo sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong 2023.

MAKI-BALITA: ‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen

Relasyon at Hiwalayan

Michelle Madrigal, ikinasal na sa jowang afam

MAKI-BALITA: ‘True ba?’ Mudra ni Yen Santos, ‘kabado-bente’ raw sa relasyon ng anak kay Paolo Contis

Tinawagan daw ni Jobert si Mommy Lilian upang usisain ito tungkol sa natsikang pagbura ni Yen sa birthday greetings niya kay Paolo na tinawag pa nga niyang "best friend."

MAKI-BALITA: Yen binura daw ang birthday post para kay Paolo, sila pa raw ba?

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit may pagbura ng post. Hiwalay na raw ba sila?

Lately rin ay napapansin ng mga netizen na bukas na ang comment section ng Instagram posts ni Yen, na matagal na nakasarado at mailap sa social media lalo na sa kasagsagan ng isyu sa naging "as a friend" ugnayan nila ni Paolo.

MAKI-BALITA: Yen Santos, dinumog sa latest post dahil bukas na ang comment section

Lalo pang lumakas ang hinalang on the rocks na ang dalawa dahil sa "no comment" na tugon ni Paolo nang usisain siya ng press tungkol dito.

MAKI-BALITA: Paolo nakorner at inurirat tungkol kay Yen, may nakakaintrigang tugon

Sagot daw ng madir ni Yen, hindi naman daw naging sila ni Paolo.

“Sabi ko, ‘Mommy may tanong lang ako?’ ‘Ano ‘yon ‘Nay?’ Nanay din kasi ang tawag sa akin no’n, eh. Sina Yen ba at si Paolo hiwalay na? ‘Yon ang tanong ko sa kaniya," sey ni Jobert. Ikinagulat naman daw niya ang sagot ng mommy ni Yen.

“Sabi sa akin, ‘Nanay naman pati ba naman ikaw naniwala?’ 'Never namang naging sila?’”

Sabi raw ni Jobert, “Ha? Never na naging sina Pao at Yen? Pero inisip ko coming from a mother baka ayaw lang niya kay Paolo, ‘di ba?"

Hindi raw alam ni Lilian na naging mag-jowa sina Yen at Paolo, at bilang nanay, siya raw ang nakakaalam niyan.

"So, I just take the word for it, ‘di ba? I don’t know how to say it kasi ang mommy mismo ni Yen Santos na si Mommy Lilian ay kaibigan ko at si Yen ay anak-anakan ko, at si Paolo anak-anakan ko rin ang nagsabing walang relasyon si Pao at si Yen," giit pa ni Jobert.

Kaya naman si Chaps, napatanong na lang kung "friends with benefits" lang ba sila?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Paolo at Yen tungkol dito.