Patok daw ang isang sari-sari store sa Pasig City dahil sa isang tinderong laging naka-topless, na tinatawag pa ngang "Macho Tindero."

Sa pagtatampok ng "Kapuso Mo Jessica Soho," napag-alamang ang tinderong laging nakahubad-baro ay 31-anyos at nagngangalang "Danny Dizon" na siyang may-ari din ng tindahan.

Isang suki raw niya ang nag-upload ng kuha nitong video sa TikTok, kaya nagulat na lamang siya nang sabihan siya nitong nag-viral na siya.

Aminado si Danny na factor daw sa malakas na benta ng kaniyang tindahan ang kaniyang magandang pangangatawan. Pero paliwanag niya, kaya raw siya nakahubad day dahil mainit ang panahon; bukod doon, habang nagtitinda siya ay nagwowork out din siya.

Human-Interest

Post tungkol sa nabiling grocery items sa halagang ₱4k, usap-usapan

Isa pa, talagang proud siyang i-flex ang kaniyang pinagpaguran sa workout na sinasabayan pa niya ng paglalaro ng basketball.

Pero sorry na lang sa mga naglalaway sa kaniya, dahil may asawa na pala si Danny.

Ayon sa misis niyang si Vina Dizon, proud naman siya sa kaniyang mister dahil maraming humahanga sa kaniya. Mahal na mahal naman daw ni Danny ang kaniyang misis; sa katunayan, buntis pa nga ito ngayon.

Dahil sa kanilang negosyo ay nakabili na rin ng sariling kotse at nakapagpatayo na rin ng bahay at mga paupahan si Danny.

Sa ibang balita, pinagkakaguluhan din ang artistahing baked mac vendor sa Marikina na si "Enteng" na dinarayo na rin ng mga suki at vloggers.

MAKI-BALITA: Artistahing baked mac vendor sa Marikina, bagong ‘gatasan’ ng vloggers?