Arestado ang wanted na retiradong pulis dahil sa panghahalay umano sa kaniyang stepdaughter sa Barangay Cabug, Bacolod City nitong Biyernes, Mayo 31.

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Police Capt. Michael Tuburan, hepe ng Police Station 9, na ang 78-anyos na suspek ay may warrant of arrest para sa 13 counts of rape at acts of lasciviousness.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Ang naturang warrant na walang inirerekomendang piyansa ay inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 68 sa Lingayen, Pangasinan noong July 19, 2006.

Dagdag pa ni Tuburan, nakipag-ugnayan sila sa Counter Intelligence Division-Integrity Monitoring Enforcement Group (CID-IMEG) para sa arrest warrant.

Ang suspect ay dating Senior Police Officer 3 (SPO3) na nadestino sa Pangasinan at nagretiro noong 2002.