Muling nirepost ni Christian Merck Grey o mas kilala bilang "Makagwapo" ang Facebook post kung saan makikita ang pagbibigay ng money garland sa kaniyang kapatid sa moving-up ceremony nito sa isang pribadong paaralan sa Quezon City noong nakaraang taon.

Aminado ang vlogger na sadyang "mayabang na kuya" siya kaya flinex niya ulit ito, lalo na sa panahon ngayon ng recognition, moving-up, at graduation ceremonies.

"Congrats brother! Wala ehh. Mayabangg kuya mo😂❤️" aniya sa caption kalakip ang dalawang larawan nila ng kapatid.

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, proud sa ex niyang si Maris matapos makipaghiwalay kay Rico

Makikita naman sa leeg ng kapatid ang nakasabit na money garland na aabot hanggang sahig ng paaralan.

Ginawa ito ni Makagwapo sa kabila ng panawagan ng ilang netizen at maging Department of Education (DepEd) na huwag magsabit ng money garland o magbigay ng money bouquet ang mga magulang sa mismong seremonya, upang hindi naman makaapekto sa ibang batang walang matatanggap nito.

MAKI-BALITA: Guro may apela sa mga magulang na magbibigay ng ‘money garland’ sa graduating na anak