Para sa social media personality na si Xian Gaza, kabaduyan ang pagsasabit ng money garland sa mga estudyanteng nagsisipagtapos na sa pag-aaral.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Hunyo 1, inihayag ni Gaza na ang gumagawa lang daw ng naturang pagsabit ng money garland ay mga taong nagpapanggap lang umano na mayaman.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Ang mga magulang na nagsasabit ng money garland sa kaniyang anak on Graduation Day ay isang jejemon. Ang gagawa lang niyan ay mga squammy na nagpapanggap na mayaman,” saad ng social media personality.

“Ang anak ay bobo kaya walang ibang medalya. Dinaan na lang pera,” patutsada pa niya.

Hindi pa rito nagtatapos dahil sa comment section, sinabi pa ni Gaza: “Ang tunay na mayaman ay hindi gagawa ng ganiyang kabaduyan.”

“Kapag ginawa ‘yan ng magulang mo sa’yo, hindi ka dapat matuwa, ‘pagkat ika’y sobrang nakakahiya.

“‘Yan na lang ang natitirang pera ng magulang mo kaya inispread nang malala para magmukhang marami,” giit pa ni Gaza.

Kamakailan lang, panawagan ng ilang netizen at maging Department of Education (DepEd) na huwag magsabit ng money garland o magbigay ng money bouquet ang mga magulang sa mismong seremonya, upang hindi naman makaapekto sa ibang batang walang matatanggap nito.

MAKI-BALITA: Guro may apela sa mga magulang na magbibigay ng ‘money garland’ sa graduating na anak