Humaplos sa puso ng mga netizen ang ginawa ng isang magna cum laude graduate sa isang pamantasan sa Zamboanga City, matapos niyang isabit ang natanggap na medalya sa kaniyang kasamang babae, na mahihinuhang nanay niya.

Sa ulat ng RNG News, makikitang hinagkan sa ulo at niyakap ng magna cum laude ang kaniyang ina habang nasa ibabaw sila ng entablado.

Nagtapos ng degree program na Bachelor of Special Needs Education ang magna cum laude na si Mark Lorence Bazan sa Western Mindanao State University (WMSU).

Sa kaniyang Facebook post noong Mayo 13, ibinida ni Bazan ang graduation photo kasama ang mga magulang, na adoptive parents pala niya.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Makikita sa larawan na may hawak na placard na "Labandera ako" ang kaniyang kinalakhang ina habang ang itinuring na ama naman ay magsasaka.

"Pero hindi yun hadlang para makagraduate ako," aniya sa kaniyang placard naman.

Sa kaniyang post ay binigyan niya ng tribute ang mga kumupkop at tumayong magulang sa kaniya, na hindi ipinaramdam sa kaniyang hindi siya kadugo ng mga ito. Siya raw ang kauna-unahang miyembro ng kanilang pamilya na makapagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

“Labandera si mamang ko, magsasaka si papang ko pero hindi yun naging hadlang para makagraduate ako, MAGNA CUM LAUDE pa nga!”

"Being the last card of the family is not easy, the pressure is very heavy especially knowing that I would be the first ever to finish a college degree in the family. It has been my motivation why I often strive hard in life. Both my parents are senior citizens. Both of them no longer work due to their status. But it didn't hinder me from achieving my goals in life."

"I always tend to find my own means and ways just to survive in college, little did my friends know that I was accepting different kinds of work, little did the people know that I am also providing to my family. Malayo sa personalidad ko sa social media ang social status ko."

"I have always been grateful & blessed to have mamang & papang in my life even when I am not their biological son but they never let me feel that I am different, that I do not belong . Since elementary they already supported me with my education and this time it’s time for me to payback all their sacrifices, efforts and sacrifices."

Congratulations, Mark Lorence!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!