Ibinahagi ng aktor na si Joem Bascon ang plano nilang magpakasal ni Meryll Soriano nang kapanayamin sila ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda.

Sa isang episode ng “Fast Talk” noong Huwebes, Mayo 30, sinabi ni Joem na nakapadron umano sa tradisyonal na paraan ang plano niyang kasal.

“Kailangang pagdaanan, magpaalam sa lahat ng tao. Medyo old school pa rin ako. Di naman pupwedeng diretsahan sa kaniya,” saad ni Joem.

“Kailangan kong tanungin din sa parents niya, ‘yong parents ko sasabihan ko. Kailangan kong magbigay-pugay with everyone to get her beautiful hand,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, ibinahagi naman ni Meryll kung anong klaseng magulang sila ni Joem.

Ayon kay Meryll: “We are very challenged sa toddler phase and ako Tito Boy, I’m already a parent coming from Eli. The difference lang for me is that I have a partner.”

“Kasi it’s so different from being a single parent that you get to decide everything on your own all by yourself. So now 50/50 things,” saad pa niya.