Itinalaga na bilang bagong head ng Senate Spouses Foundation ang Kapuso star at socialite na si Heart Evangelista matapos manumpa bilang Senate President ang asawa niyang si Senador Chiz Escudero kamakailan.

MAKI-BALITA: Escudero, nanumpa na bilang bagong Senate president

Sa isang Instagram post ni Heart nitong Huwebes, Mayo 31, ibinahagi niya ang ilang eksena sa ginanap na pagpupulong kasama ang mga kapuwa niya asawa ng senador.

“Our very first meeting and as they say, coming together is just the beginning.♥️Excited to get down to work!” saad ni Heart.

National

Bagyong Carina, idineklara nang super typhoon

Dagdag pa niya: “Thank you for the warm welcome fellow senate spouses.♥️Ready to honor the challenge of working together and find ways to make our communities better and stronger.♥️”

Matatandaang si Senador Migz Zubiri ang pinalitan ni Escudero sa naturang pwesto dahil sa umano’y kudeta laban dito.

MAKI-BALITA: Zubiri, nagbitiw na sa pwesto bilang Senate President