Napansin ng mga marites na netizen ang pagre-react ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati sa mga reaksiyon at komento ng netizens tungkol sa pagkukumpara sa anak kay Barbie Imperial.

Talk of the town kasi si Barbie matapos maispatang kasa-kasama ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez habang nasa South Korea.

Dahil dito, lalong lumakas ang hinala ng fans at netizens na nagkakamabutihan na ang dalawa, at si Barbie na nga ang bagong nagpapatibok sa puso ni Richard matapos ang hiwalayan nila ng misis na si Sarah Lahbati.

Sa ulat naman ni Ogie Diaz sa "Showbiz Updates," isiniwalat niya ang isang scoop na nakarating sa kaniya mula sa isang source na nagkukumpirmang "exclusively dating" na nga raw ang dalawa.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

Pero paglilinaw ni Ogie, pumasok daw sa eksena si Barbie nito lamang 2024; meaning "bago" lang sila at hindi raw third party ang aktres sa hiwalayan nina Richard at Sarah.

Napapansin naman daw ng mga netizen na maraming pagkakatulad sina Sarah at Barbie lalo na sa pisikal na anyo.

Pareho raw kasing mestiza ang dalawa at pareho na rin ng tabas ng buhok. Bukod dito, parang ginaya raw ni Barbie ang pag-flex ni Sarah sa kaniyang culinary arts skills, gayundin ang paglalaro ng tennis.

Nagkomento ang isang netizen tungkol dito sa April 28 Instagram post ni Sarah para sa 11th birthday ng anak nila ni Richard na si Zion.

Anang netizen, "Parang ginaya ni barbie si sarah sa white dress nya at pati yung culinary. Pero syempre sarah pa din maganda. ❤️"

Sey naman ng isa, " true lahat na lng ginagaya kay sarah 🤣 smile, pose, hobby super copycat lol."

"oo nga ano. Pati smile ni barbie ginagaya kay sarah. Anu ba yun," segunda pa ng isa.

Sa comment section ay makikita naman ang tatlong face with tears of joy emojis na ikinomento ng ina ni Sarah na si Esther Lahbati.

Photo courtesy: Screenshot from Sarah Lahbati (IG)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag, o kumpirmasyon mula sa kampo nina Richard at Barbie tungkol sa tsikang ito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.