Ibinahagi ni Kapamilya sexy actress Ivana Alawi ang isang eksena ng co-star niyang si Elijah Canlas sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa latest Facebook reels ni Ivana nitong Sabado, Hunyo 1, matutunghayan na ang malagkit na tingin ng karakter ni Elijah na si “Pablo” kay “Bubbles” na ginagampanan ni Ivana habang nasa swimming pool sila.

“Gigil si Pablo kay Bubbles,” saad ni Ivana sa caption ng post.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

"Hoy Pablo bumalik kana sa pagiging Archie. Hinihintay kana ng anak niyo ni Roxie. Umayos ka hahaha"

"Supperrr dupperrrr ganda po kasi 💖💖💖"

"mas GIGIL ako eehh!!"

"Wag mong subukan bubble 😁"

"Aup ka pablo nauna kpa mag hubad🤭🤣"

"kahit po aso mang gigigil🐶"

"Wow ang Ganda ni idol sana jan.man aq idol hahaha" 

Matatandaang bukod sa “Batang Quiapo” ay gumaganap din si Elijah sa “High Street,” ang sequel ng 2023 hit primetime series na “Senior High.”

MAKI-BALITA: ‘High Street’ mediacon, dinaluhan ng ‘star-studded’ cast