Tila mapalad umano si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo na dumating sa buhay niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Sabado, Hunyo 1, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang mga nababasa niya umanong komento tungkol sa dalawa.

“Nabasa ko ang mga komento ng mga maka-KathDen syempre: ‘Bakit gano’n? Kung kailan nawala si Daniel Padilla saka napasakamay niya ‘yong unang award niya sa FAMAS [Filipino Academy of Movie Arts and Sciences],’” lahad ni Cristy.

Sey naman ng co-host niyang si Romel Chika: “May nagsasabi tuloy na swerte raw itong si Alden sa kaniya.”

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

“Mapapansin po talaga ‘yon, mga kapatid at mga katsika, kasi syempre comparison naman talaga ang labanan ngayon, e,” sabi pa ng showbiz columnist.

Matatandaang kinabog ni Kathryn sa nakalipas na FAMAS awards ang iba pang bigating nominees gaya nina Maricel Soriano, Charlie Dizon, Marian Rivera, Eugene Domingo, at Sharon Cuneta.

MAKI-BALITA: Kathryn kinabog sina Maricel, Sharon, Marian bilang Best Actress sa FAMAS