Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at ng iba pang mga eksperto sa kalusugan ang naitalang unang kaso ng pagkamatay sa Pilipinas dahil sa vape-associated lung injury (EVALI).

Ayon kay Dr. Rizalina Gonzales mula sa Philippine Pediatric Society nitong Biyernes, Mayo 31, na inulat ng Manila Bulletin, ang naturang unang indibidwal na nasawi sa bansa dahil sa EVALI ay isang 22-anyos na lalaki, na aktibo raw sa paglalaro ng basketball.

Hindi raw naninigarilyo ang lalaki ngunit dalawang taong gumamit ng vape products bago siya masawi noong 2023.

Dagdag pa ng ulat, wala umanong naitalang dating karamdaman ang lalaki ngunit inatake siya sa puso kung saan iniugnay ito sa araw-araw na paggamit niya ng vape.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

"This one is a 22-year-old male, healthy, sporty, does not have any underlying conditions, does not have any vices, and is a non-smoker. He went to PGH because he was experiencing chest tightness and then had a cough. The scan of his lungs showed something white," ani Gonzales.

Samantala, inilahad ni DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo na kapag gumagamit ang isang indibidwal ng vape, nagiging sanhi ang usok nito para tumigas ang daluyan ng dugo.

"If you do this repeatedly, as happened to our patient who used vape daily for two years, the oxygen pathways become blocked,” saad ni Domingo.