Kinumpirma ng showbiz insider na si Ogie Diaz na exclusively dating na umano sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Mayo 30, inispluk ni Ogie ang nasagap niyang tsika mula umano sa kanilang “very reliable source.”

“Kumpirmado, exclusively dating na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Ayon sa aming very reliable source, walang overlapping na naganap at hiwalay na umano sina Richard at Sarah Lahbati bago pa pumasok sa eksena si Barbie,” saad ni Ogie.

“Last year pa hiwalay umano ang mag-asawa, pareho ng single at co-parenting na lamang sila sa kanilang dalawang anak,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Kaya naman, nilinaw umano ng source ni Ogie na nitong 2024 lang daw nakapalagayang loob ni Richard si Barbie. Hindi raw tuloy maiwasan ng source niya na maawa sa aktres dahil sa paratang na homewrecker umano ito.

“Ani pa ng source namin: ‘Barbie had nothing to do with the hiwalayan issue,’” dugtong ni Ogie.

Matatandaang kamakailan lang ay naintriga ang mga netizen matapos lumutang sa social media ang picture nina Barbie at Richard nang magkasama sa South Korea.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang dalawa para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang tsika.