Nagbigay ng reaksiyon ang National Book Development Board (NBDB) - Philippines sa komento ng manunulat na si Jerry Gracio hinggil sa pagsusulong ng kultura ng pagbabasa.

Ayon kasi kay Gracio: “We need a massive literacy program, mas mababang presyo ng libro, easy access sa PH literary materials online, celebrities & influencers who are into reading, recommending Filipino books & authors, kailangan natin ng mas maraming public libraries.”

Kaya sa Facebook post ng NBDB nitong Huwebes, Mayo 30, sinabi nila na patuloy umano silang nagsisikap na maitanim ang reading habit sa bawat Pilipino.

“Ramdam po namin sa National Book Development Board (NBDB) ang bawat kataga sa komentong ito. Kaya po patuloy ang aming pagsisikap na maitanim ang reading habit sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng Book Nook sites sa bansa, taunang Philippine Book Festival at ang paglahok sa international book fairs,” pahayag ng NDBD.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Gayunman, higit sa lahat, kailangan namin ang tulong ng lahat para maipursige lalo na sa mga bata na maagang magsimula na makahiligan ang pagbabasa,” anila.

Dagdag pa nila: “Ang kultura ng pagbabasa sa Pilipinas ay sadyang nangangailangan po ng tinatawag na whole-of-nation approach. Pagtulungan po natin ito!”

Matatandaang kamakailan lang ay inilunsad ng NBDB ang Philippine Book Festival sa World Trade Center para lalong paigtingin ang kultura ng pagbabasa sa bansa.

MAKI-BALITA: Ikalawang edisyon ng Philippine Book Festival, ilulunsad sa World Trade Center!

Isa sa mga dumalo at nagsilbing tagapanayam sa naturang pagtitipon ay ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee .

MAKI-BALITA: Ricky Lee sa aspiring writers: ‘Write from who you really are’