Naglabas ng dokumento si Senador Risa Hontiveros hinggil sa posible raw na identidad ng ina ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 30, inilabas ni Hontiveros ang dokumento hinggil sa isang Chinese na nagngangalang “Lin Wen Yi.”

“WHO IS LIN WEN YI? Siya ba ang tunay na ina ni Mayor Alice Guo?” pag-usisa ni Hontiveros.

Base sa dokumentong ipinakita ng senadora, incorporator daw si Lin ng mga negosyo ni Guo.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Mayor Guo’s co-incorporators in at least seven of her businesses include her siblings Shiela L. Guo and Siemen L. Guo, her father Jian Zhong Guo, and this Lin Wen Yi,” ani Hontiveros.

“Magkakamag-anak ba silang lahat? Is this one big, dubious family business?

Binanggit din ng senadora ang sinabi ni Senador Win Gatchalian na ang biological mother ng alkalde ay isa raw Chinese citizen.

MAKI-BALITA: Ina ni Mayor Alice Guo, isang Chinese citizen—Gatchalian

“Sabi ni Senator Win Gatchalian, ayon sa mga residente ng Valenzuela, itong si Lin Wen Yi daw ang pinapakilalang ina ni Mayor, nung tumira sila sa siyudad dati,” ani Hontiveros.

Kaugnay nito, iginiit ng senadora na mahalagang malaman ang tunay na identidad ng ina ni Guo para masagot na raw ang mga ispekulasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng alkalde.

“The identity of Mayor Alice’s mother is crucial to this whole saga. Kung Chinese pala ang ina, at Chinese umano ang ama, mapapatunayan na hindi nga talaga Pilipino si Mayor,” giit ni Hontiveros.

“Kung totoo ito, ang mas malaking tanong: bakit kinailangan niyang magkunwari? Bakit may pagtatago at pagsisinungaling?” saad pa niya.

Matatandaan namang kamakailan lamang ay nanindigan ang kampo ni Guo na Pilipino ang kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Kampo ni Mayor Alice Guo, nanawagan sa ina na magpakita para ma-DNA