Napuno ng emosyon ang graduation ceremony sa isang paaralan sa Lapu Lapu City, Cebu dahil sa nakakaantig na pagtungtong sa stage ng nanay at kapatid ng cum laude graduate na pumanaw nito lamang ding Mayo.

Nagtapos daw ang estudyanteng si Michael “Kikil” Alcoseba, 23, sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Lapu Lapu City College at may karangalan pang cum laude.

Samantala, pumanaw siya noong Mayo 11, 2024, mahigit dalawang linggo lamang bago ganapin ang kanilang graduation ceremony nitong Martes, Mayo 28.

Dahil dito, ang kaniyang nanay at kapatid ang tumanggap ng kaniyang karangalan na nagpaluha naman sa halos lahat ng mga dumalo sa seremonya.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Sa kaniyang Facebook post, nagbahagi si Congresswoman Ma. Cynthia "Cindi" King Chan ng ilang mga larawan ng nakakaantig na pagtanggap ng pamilya ni Alcoseba ng kaniyang diploma at medalya habang yakap ang larawan nito. Mayroon ding isang upuan sa hanay graduates kung saan inilagay ang kaniyang larawan.

Pumanaw raw si Alcoseba sa sakit na pneumonia, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

“The saddest but the proudest,” saad naman ng kapatid ni Alcoseba na si Juliet Hiyas sa isang Facebook post.

Si Alcoseba raw ay isa ring dancer at miyembro ng Lapu-Lapu City Performing Arts.