Kamakailan lamang ay ibinida ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang pagtatapos ng anak nilang si Mary Divine Grace "Princess" Pacquiao sa high school, sa isang kilalang international school.

Proud na proud ang mag-asawa sa achievement ng kanilang anak, at makikita sa kani-kanilang Instagram post ang mga larawan nila kasama si Princess.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

View this post on Instagram

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)

Makikitang simple lamang ang tangan ni Princess gaya ng kaniyang diploma at pulumpon ng mga bulaklak.

Sa mainit na isyu ngayon ng pagbibigay ng money bouquet o garland sa ilang graduates o nakatanggap ng academic awards sa recognition day, moving up at graduation ceremony, isang netizen ang nagkumpara nito sa naging graduation ni Princess.

Aniya, kung titingnan daw ay may mas kapasidad sina Manny at Jinkee na bigyan ng money bouquet o garland si Princess at "iyabang" ito sa nangyaring graduation rites subalit hindi nila ginawa. Kung tutuusin daw ay bilyonaryo na ang mag-asawa at kayang-kaya nilang paandaran ng ganoong gimik ang anak.

"Anak sya ng BILYONARYO at graduate ng Brent International School. Ni walang Money garland na ilang metro ang haba. Bouquet lamang ang binigay," mababasa sa post ng netizen na habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 9.5k reactions, 1.5k shares, at higit 600 na komento.

"Lesson learned: (para ito sa mga magulang) Maging mapag kumbaba tayo, Kasi ang na aapektuhan ay yung mga batang walang wala. Nakikita kasi nila kung ano ang naibibigay ng ibang magulang kumpara sa kanilang magulang. Hindi talaga maiwas na mainggit sila sa kaklase nila."

"NAPAPANAHONG ISSUE

Proverbs 22:6

Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it," aniya pa.

Inulan naman ito ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Let's teach our children that we have different ways of showing love. Others use gifts, money, food, physical love, etc. What is important is we appreciate it no matter how small or big it is."

"Discretion ng magulang Yan, diskarte yon nila, doon Sila Masaya na ma express yon feeling nila na Masaya, kahit Isang malita pa na Pera Ang e garland nila sa anak NILA ok lang dahil pinaghirapan NILA yon, walang paki alaman ng kaligayahan."

"Turuan ang anak na wag mainggit sa kapwa, ang inggit ay ginagamit na inspiration para umunlad din. May iba ibang paraan ang mga magulang kung pano nila ipakita ang pagmamahal nila sa mga anak nila. Masyadong big deal sa inyo yung nag trending na miney garland, yun ang gusto ng magulang then let them be. Sa totoo lang wala na tayong paki dun, hindi naman natin pera ang pinangsabit dun eh."

"Mas big deal kasi sa mga bata na walang wala ang mabigyan sila ng ganyan kaysa sa mga bata na pinanganak na mayaman. Kahit ako pag binigyan ako ng ganyan sobra siguro ang saya ko kasi I know I did my best sa school and I deserved that prize."

"Giving children money garlands may be intended to show love, but it can lead to negative consequences such as envy and unnecessary competition among children themselves. For me, mas maayo nga ibutang ang kwarta sa sobre aron di magpakita og garbo. Parents have the right to reward their children, no question with that, but public displays of wealth can make others feel inadequate and teach values of materialism instead of hard work and humility. Ang pag celebrate sa mga kalampusan sa mga bata importante, pero dapat buhaton nato kini to promote respect, humility and consideration of others."

Kamakailan lamang, isang guro ang nagpaalala sa mga magulang patungkol sa pagbibigay ng money garland sa mga anak na magsisipagtapos o makatatanggap ng karangalan.

MAKI-BALITA: Guro may apela sa mga magulang na magbibigay ng ‘money garland’ sa graduating na anak