Nagbigay ng sariling pananaw ang social media personality na si Xian kaugnay sa pinagdedebatehan ngayong divorce na isinusulong nang maisabatas.

Sa Facebook post ni Xian nitong Martes, Mayo 28, inilatag niya ang dalawang punto niya hinggil sa naturang usapin pagkatapos niyang gamiting halimbawa ang dalawang magkaibang sitwasyon ng tito at tita niya.

“‘Yung tito ko sa Japan ay kasal sa kanyang Japanese wife for 18 years. They are happily married with 3 kids. One happy family. Take note: may divorce sa bansang Japan,” panimula ni Xian.

Samantala, ‘yong tita naman daw niyang nasa Pilipinas ay hiwalay na sa asawa nang 16 taon. Pero hanggang ngayon, sa mata umano ng batas ay nakatali pa rin ang dalawa sa isa’t isa. 

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Kaya unang ang punto raw ni Xian: “The presence of divorce in Japan didn't ruin my uncle's family. Hindi totoo na wawasakin ng divorce ang maraming pamilya. Ang sisira sa isang pamilya ay yung mag-asawang involved. Yung dalawang tao. Hindi ang divorce law.

“Second, kahit walang divorce sa Pilipinas, nasira pa rin ang pamilya ng tita ko dahil nagloko yung asawa niya. Meaning to say, kesyo may divorce o wala sa isang bansa, broken marriage and broken family will still exist. Kasi kung divorce pala ang wawasak sa isang pamilya, eh 'di sana walang hiwalayan sa bansang Pilipinas,” aniya.

Ayon pa sa kaniya: “Nilalagay nito [divorce] sa ayos yung kapakanan ng mga bata at yung kapakanan nung dalawang matanda matapos masira ang kanilang pamilya.” 

“Ayaw mo sa divorce because you are very happy with your married life? Then I'm very happy for you. Pero hindi lahat ay pinalad kagaya mo,” dugtong niya.

Kaya ang hiling ni Xian, huwag daw sanang ipagkait ang batas na ito dahil sa magbibigay nitong bagong buhay sa iba.