Isang nanay daw ang nang-iwan ng kaniyang 16-anyos na anak sa isang major highway sa Italy matapos itong madismaya sa mababang marka ng anak sa isang subject.

Sa ulat ng ABS-CBN News na batay naman sa isang pahayagan sa Italy, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng ina at anak habang nasa loob ng sasakyan, dahil nakakuha ang anak ng "5" sa asignaturang "Latin," bagama't ang siyam pang nalalabing asignatura ay may matataas namang marka.

Sukat dito ay pinababa raw ng ina ang anak sa loob ng kanilang kotse sa kalagitnaan ng highway, bagay na napansin naman ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, "suspected child abuse" ang puwedeng isampang kaso laban sa 40-anyos na ina.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture