Sino kaya ang young actor na tinukoy ng showbiz insider na si Ogie Diaz na nagpadala umano ng maselang video matapos bigyan ng pera sa pamamagitan ng mobile payment?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Mayo 28, ikinuwento ni Ogie na kaibigan daw niya mismo ang nilapitan ng young actor para humingi ng pera.

“Naloloka ako dahil ‘yong isang friend ko tumawag. Sabi niya: ‘Ano ba ‘to ang kulit-kulit, Mama Ogs?’ Sabi ko: ‘Bakit? Sino ang [ka-chat] mo?’ ‘Ito nga ‘yong ka-chat ko ‘yong young actor,’” saad ni Ogie.

“Kasi ang chat sa kaniya, nanakawan daw siya sa bahay. Tapos, nakuha raw ‘yong wallet niya. Pero itinira daw ‘yong national ID niya. So ‘yon ang sinasabi do’n. Tapos ang ending, baka naman pwedeng magpa-GCash doon sa kausap ko,” aniya.

Dagdag pa ni Ogie: “So, siguro one time sinendan niya umuulit ulit. [...] So, ini-screenshot niya ‘yong convo nila. Pinasa sa akin. ‘Yon nga nanghihingi. Tapos nanghihingi na naman. Ang ending, mayro’n siyang chat do’n sa kaibigan ko na mayro’n akong video na ipapasa sa ‘yo. “

“Anong video?” ussia ng co-host niyang si Mama Loi.

“E, syempre ‘yong nagsasarili,” sagot ng showbiz insider, “‘yong video scandal niya.”

Nawindang naman si Mama Loi at ang isa pang co-host na si Tita Jegs dahil sa pasabog na ito ni Ogie. At bagama’t hindi raw kita sa video ang mukha ng young actor, lantad naman ang tattoo nito sa braso.